Pinuri ng showbiz columnist ang relasyon ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay na kakakasal lamang nitong Nobyembre 2021.

Para umanong pinagtagpo ng kapalaran ang dalawa dahil halos pareho sila ng mga trip sa buhay. Magkasundong-magkasundo umano ang dalawa kaya naman swak na swak sa isa't isa.

“Pinagtagpo ng kapalaran ang dalawang tao na iisa ang takbo ng isip, iisa ang mga gusto sa buhay pero matindi at malalim ang pagmamahalan," ani Cristy.

“Wala na tayong masasabi pa tungkol kina Ellen at kay Derek," dagdag pa ni Cristy. Syempre, ang next level na nito ay kung kailan ba sila magkakaroon ng panganay.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Speaking of panganay, marami raw ang napapaisip kung buntis na nga ba si Ellen. Napansin daw kasi ng mga netizen sa live video ng 45th birthday celebration ni Derek na parang may baby bump na umano si Ellen. Nang hiritan naman umano ng birthday wish ang mister bago hipan ang birthday candle ng kaniyang cake, nabigla umano si Ellen sa sinabi nito.

“I wish, I wish it’s a BOY!” pahayag ni Derek sabay takbo palayo sa misis.

Tinawag namang 'GOR' ni Ellen ang kaniyang mister, na may dalawa umanong interpretasyon mula sa mga netizen. Ang una, baka ito raw ay pinaikling gorgeous. Pangalawa, baka raw pinaikling 'gurang' o matanda na, pero sa kabila nito ay hot na hot pa rin.

"Happy 45th My Love, you look so much better than some men half your age so dont stress my GOR," sabi ni Ellen.

Derek Ramsay at Ellen Adarna (Screengrab mula sa IG/Ellen Adarna)

Samantala, ipinagdiwang naman nila ang unang monthsary nila bilang mag-asawa.

"Because we should never forget to celebrate our 'firsts," saad sa caption ni Ellen. "Happy 1st monthsary my love, my gor my husband."