Pinabulaanan ni Optimum Star Claudine Barretto ang mga chikang kumakalat na hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagtakbo bilang konsehal sa Olongapo City, sa ilalim ng tiket ng kandidato sa pagka-alkade na si Arnold Vegafria, at batay na rin sa chika ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, ayon umano sa kaniyang source.

"Mga palanggas ko sa Olongapo & Claudinians. DI PO TOTOO na nagback out ako sa pagtakbo ng COUNCILOR OF OLANGAPO.Tuloy po ang aking pagtakbo," ayon kay Claudine sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 10.

Please stop spreading lies & fake news. Thank you po. Have a great day," aniya.

Matatandaang Naichika ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute' na hindi na raw sumasama ang kandidato sa pagka-konsehal ng Olongapo City na si Claudine Barretto sa tuwing umiikot ang partidong kinabibilangan niya, na ang standard bearer at tumatakbong alkalde ay ang talent manager na si Arnold Vegafria.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/09/claudine-barretto-di-na-tatakbong-konsehal-dahil-walang-pondo/

Ayon umano sa source ni Cristy, hanggang ngayon daw ay wala pang bumababang pondo kay Claudine mula sa ipinangako umano ng talent manager at tumatakbong alkalde.

Ayon pa kay Cristy, saan nga naman umano kukuha si Claudine ng pangampanya niya kung wala naman itong proyekto ngayon sa showbiz.

“Una, nagbago na ang takbo ng kanyang isip. Pabago-bago naman talaga ang takbo ng utak nitong si Claudine… At ang pinakamahalaga, sinabi po ng aming common friend na wala pong pondong ibinababa pa si Arnold Vegafria. Wala pa pong pera na ibinibigay sa kanya kaya hindi na siya sumasama sa pag-iikot ng kanilang partido sa Olongapo,” pagbabahagi ni Cristy.