Nanawagan si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate nitong Sabado, Disyembre 11, sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itama kaagad ang mga mali sa bagong labas na₱1,000 bill.

Dalawa ang nakita ni Zarate na pagkakamali kung saan ang una ay ang scientific name ng Philippine eagle na Pithecophaga jefferyi ay ginawang "Pithecophaga jefforyi."

Ikalawa ay ang hindi naka-italic na scientific name ng pambansang ibon ng Pilipinas.

"The scientific name should also beitalicizedbecause it is in Latin and needs to be differentiated from the English language. This is one of the rules in the proper writing of scientific names,” ayon sa mambabatas.

“The BSP made almost the same mistake in 2010, thus, it is lamentable that the same mistake is repeated. We trust that prior to the printing of the new notes, these mistakes will be corrected, so as not to waste funds or resources,”dagdag na pahayag nito.

Matatandaangmali rin ang spelling ng apelyido ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa inilabas ng BSP na bagong₱100 bill dahil ginawa itong "Arrovo" noong 2005.

Noong 2010, naging "Boa" rin ang nai-print na middle name ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas ding bagong₱1,000 bill kaya agad na naglabas ng paumanhin ang BSP.

Ben Rosario