Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Sabado ang bagong disenyo ng₱1,000-denominated banknote.

Mismong si BSP Governor Benjamin Diokno ang nagpakita sa mga mamamahayag ng naturang bagong disenyo sa isang Viber group message sa mga mamamahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Diokno, ang BSP ang nagdisenyo ng pera at inaprubahan naman ng National Historical Institute (NHI).

Pinahintulutan na rin aniya ng Monetary Board at ng Office of the President ang issuance nito.

“For the record, here’s how the new ₱1,000-piso would look like. It was designed by BSP and approved by NHI (National Historical Institute). Its issuance has been approved by the Monetary Board and the Office of the President,” ani Diokno.

Nabatid na ang bagong disenyo ng ₱1,000 banknote, na para sa limited polymer bills ay nakatakdang ilabas sa susunod na taon.

Naka-feature sa harapan nito ang Philippine eagle, kapalit ng mga larawan ng mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.

Nang matanong naman kung bakit pinalitan ang mga larawan ng mga bayani ng bagong disenyo, sinabi ni Diokno na ang bagong series ng mga pera ay magpopokus sa ‘fauna and flora’ sa Pilipinas.

“Target release will be on the fourth week of April 2022,” aniya pa.

Mary Ann Santiago