LA TRINIDAD, Benguet – Patay ang tatlong pinaghihinalaang miyembro robbery at carnapping armed group, matapos makipag-engkwentrosa pulisya, noong madaling araw ng Disyembre 10 sa Lamut-Shilan Road, Barangay Shilan, La Trinidad, Benguet

Nabatid kay Colonel Reynaldo Pasiwen, provincial director ng Benguet Provincial Police Office (BPPO), na inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ng tatlong armadong suspek na lulan ng kulay pulang Red Mitsubishi Lancer sporting na may plakang WIN-580.

Ayon kay Pasiwen, rumesponde ang mga intelligence operatives atmobile patrol ng La Trinidad MPS sa isang tawag na may 3 kalalakihan na sakay ng nabanggit na sasakyan na paikot-ikot at pumarada sa bisinidad ng Clean fuel gas station sa Barangay Tomay.

Napag-alaman na unang namataan ng mga tauhan ng Regional Special Operation Group at Highway Patrol Group ang nasabing sasakyan na may plaka sa harapan, pero walang plaka sa likuran, kaya agad itong sinuri sa pamamagitan ng LTO-ON-LINE 2600 at nalaman na ang plaka ay naka-assigned sa isang Mitsubishi Adventure.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nang papalapit ang team ng mobile La Trinidad MPS patungo sa Mitsubishi Lancer, ay biglang pinaputukan ang mga pulis at mabilis na kumaripas ang sasakyan patungo sa Lamut-Shilan Road, na agad naman hinabol ng mga naka-antabay na police car.

Nagsagawa in ng roadblockang mga tauhan SOD-HPG and RHPU-Cordillera na naka-monitored sa insidente sa posibleng daanan ng mga suspek, subalit bumangga sa road side ang sasakyan ng mga suspek at nagkanya-kanyang tumakbo habang nakikipag-palitan ng putok sa mga pulis, hanggang sa bumulagta ang tatlo.

Dalawa ang namatay on the spot, samantalang ang isang suspek na nag-aagaw buhay at mabilis na isinugod sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival.

Nakikipag-ugnayan na din ang La Trinidad MPS sa mga pulis sa lowland areas para maberipika ang pagkakakilanlan at modus operandi ng mga suspek.

Zaldy Comanda