Sarado sa trapiko ang dalawang outermost lanes ng Commonwealth Avenue, Fairview-bound sa Manggahan area, sa Quezon City sa loob ng isang buwan simula ngayong Disyembre 11.
Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lane closure ay para bigyang daan ang isinasagawang konstruksiyon ng MRT-7 Manggahan Station.
Kabilang sa mga aktibidad na ginagawa ang pagtatayo ng columns at relokasyon sa utility lines at drainage systems sa lugar.
Naglagay naman ang MRT-7 contractors ng zipper lane sa kabilang bahagi ng direksiyon ng Quezon Memorial Circle (QMC) dahil pinakamakitid ang parteng ito ng Commonwealth.
Bukas sa trapiko araw-araw ang zipper lane o counterflow sa Fairview-bound sa kasagsagan ng afternoon rush hours, mula 4:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.
Ang natitirang mga oras sa araw, gagamitin naman ang parehong zipper lane para sa regular QMC-bound traffic.
Bilang gabay sa mga motorista,nagmobilisa ng flagmen ang MRT-7 contractors sa zipper Lane.
Nagdeloy din ng MMDA traffic enforcers at traffic enforcers mula sa Quezon City government partikulat na sa dalawang endpoints ng zipper lane.
Bella Gamotea