Hindi labag sa Konstitusyon ang anumang resolusyon na ilalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Reaksyon ito ni IATF-MEID co-chairperson at acting Presidential spokesperson Karlo Nograles bilang tugon saulat na nakarating sa kanila hinggil sa umano’y ipinababasurang IATF Resolution na nagtatakdang mandatory ang pagbabakuna sa mga on-site workers.
Aniya, may mga abogado rin silang kasama sa task force at galing pa sa Department of Justice na siyang tumitingin at tumitiyak na anouman ang lalamanin ng kanilang resolusyon ay naaayon at hindi sasalungat sa umiiral na Konstitusyon.
Sa harap nito’y iginiit ni Nograles na wala silang ginawang anumang resolusyon na nagsasabing mandatory ang pagbabakuna gaya ng isinasaad sa inihaing petisyon.
Hindi rin aniya magsisilbing ground for termination sa trabaho kung ang isang on-site worker ay hindi bakunado.
Beth Camia