Nakatanggap ng 5,000 doses ng Moderna vaccines ang Pasay City government mula sa dalawang pribadong kumpanya upang suportahan ang "Vacc to the Future" vaccination program.
Nagbigay ng 2,500 Moderna vaccines bilang donasyon si Jose Crisol, Jr., SVP and Head- Investor Relations and Communication nirerepresenta ang GT Capital Holdings, Inc. at John Frederick Cabato, Senior Vice-President of Federal Land, Inc. sa city government.
Pinasalamatan naman sila ni Mayor Emi Calixto-Rubiano at sinabing malaking tulong sa city government ang 5,000 Moderna vaccines.
Sinabi rin niya na nakatulong ang vaccination program na pababain ang aktibong kaso ng COVID-19 ng pamahalaang lungsod sa 10 batay sa record ng City Health Office at ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong Disyembre 9.
Anang alkalde, nasa siyam na barangay mula sa 201 ang mayroong aktibong kaso ng COVID-19.
Jean Fernando