Nasa 100,000 na overseas Filipino workers (OFWs) ang inaasahang uuwi ngayong kapaskuhan, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWW) nitong Biyernes, Disyembre 10.

“For this Christmas, umaasa tayo ng 80,000 to 100,000 [OFWs] in December alone,” ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Sinabi ni Cacdac, halos bumalik sa pre-pandemic figures ang bilang ng mga OFWs na babalik para sa holiday ngayong taon.

“Ang tantiya namin ay hindi ganoon kalaki ang kaibahan noong pre-pandemic sa uuwi ngayong Pasko. Hindi na rin unusual na may umuuwi na magbabakasyon lamang kasi nag-resume na ang economic life abroad," ani Cacdac.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Ibinahagi rin ng OWWA chief ang kanyang obserbasyon sa isang conference na kanyang dinaluhan sa Dubai na kung saan halos bumalik na sa "old normal" ang buhay sa "tremendous effort" ng gobyerno sa pagbabalik ng kanilang ekonomiya.

“That also means na iyong trabaho ng OFWs natin ay restored na rin sa pangkalahatan. Ang ibig sabihin lang nito ay hindi na natin nakikita katulad noong 2020 na bumagsak talaga iyong numero noong umuwi," aniya.

“Ngayon nakikita na natin more or less halos kahalintulad na ng levels ng pre-COVID pandemic," dagdag pa ni Cacdac.

Samantala, tiniyak ni Cacdac na nakahanda ang gobyerno na tanggapin ang mga uuwing migrant workers at nakahanda ang mga safety protocols lalo na sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa OWWA, nasa 820,000 OFWs ang na-repatriate pabalik ng Pilipinas mula sa iba't ibang bansa simula noong Marso noong nakaraang taon sa pamamagitan ng repatriation program nito.

Alexandra San Juan