Sa kabila ng nararanasang pagyeyelo ng ilang bahagi ng Atok sa Benguet, hindi pa rin apektado ang araw-araw na produksyon ng gulay sa Cordillera Region.
“The frost in Atok happens in a very small portion of a garden, less than a half hectare, and the vegetables are not completely damaged. The frost does not affect the supply and the prices. No, it will not,” ayon kay Atok Mayory Ramundo Sarac.
Idinahilan nito na bukod sa Atok, nagtatanim din ng mga gulay ang 12 pang bayan sa lalawigan, kabilang na ang kabisera nito--ang La Trinidad.
Tumutulong din aniya sa pagpapatatag ng suplay ng gulay ang ilang bayan sa Ifugao at Mountain Province na nakaaani ng aabot sa dalawang milyong kilo kada araw.
Idinagdag pa nito na 85 porsyento ng kabuuang highland vegetable production sa bansa ay nanggagaling sa Cordillera.
“If it is the whole Benguet that is affected by frost, then we can say the supply is affected which will also affect the prices. As I have said, it is not even one-half jeep load of vegetables if they are even affected,” paliwanag pa ng alkalde.
PNA