Itinanggi ni Pasig Mayor Vico Sotto ang alegasyon ng katiwalian na ibinabato laban sa kanya at sa isang city accountant ng isang netizen na nagpost ng "dinoktor" o inedit na dokumentong pinansyal ng Pasig nitong Huwebes, Disyembre 9.

Ipinostni Anthony L. Torre sa kanyang Facebook noong Miyerkules, na ngayon ay burado na, ang financial record ng Pasig na nagpapakita na mayroong P33,730,513.32 unliquidated cash advances na nauugnay sa city accountant na si Valerie JO S. Torres na may petsangSetyembre 2019 hanggang Nobyembre 2021.

“Your little mayor from QC [Pasig] still has a lot of cash advances that are not liquidated. You say she has been removed from office, but actually, you just moved her office sa Pasig City General Hospital (PCGH). Hayzzz naman (so) come out with the truth if you say you are not corrupt, may award ka pa naman. 33 million yan," ani Torre sa kanyang deleted post.

Matatandaan na nakatanggap ng award si Sotto na“International Anticorruption Champions Award” mula sa United States government noong Pebrero 2021.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sinagot ni Sotto ang alegasyong ito sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang Facebook ng parehong records na nagpapakita lamang ng less than P576,000 unliquidate cash advances na naka-ugnay kay Torres.

"Makikita sa ceritifed record ng City Accountant na less than 576 THOUSAND lang ang unliquidated cash advances ni Ms. Valerie. Ang sabi sa post mo, 33 MILLION pa ito. Inedit ang dokumento, binura ang liquidations, tapos pinost. Sa madaling salita, kasinungalingan," ani Sotto nitong Huwebes, Disyembre 9.

"Wala naman kasing problema sa cash advance basta't last option at mai-liquidate ng maayos. Lalo na sa panahon ng pandemya, may mga bagay na pabigla-biglang nangyayari at mahirap iplano. Iilan lang din naman ang puwede maging Special Disbursing Officer para rito," paliwanag pa ni Sotto.

Sinabi rin ni Sotto na tinulungan ng kanyang team ang mga dating empleyado ng nakaraang administrasyon sa pagliliquidate ng mga unliquidated cash advances na umabot sa P100 million.

"Nung naupo ako (July 2019), may mga empleyado ang City Hall na milyon-milyon ang Unliquidated cash advance, yung isa halos 100M. Pero siyempre hindi mo sinilip yun, diba?" ani Sotto.

"Wala naman kasing problema sa cash advance basta't last option at mai-liquidate ng maayos. Lalo na sa panahon ng pandemya, may mga bagay na pabigla-biglang nangyayari at mahirap iplano. Iilan lang din naman ang puwede maging Special Disbursing Officer para rito," dagdag pa niya.

"Pero yung ganitong klaseng kilusan, aba’y ibang usapan na to… Mukhang criminal offense ang nagawang pag-edit ng public records at paggamit nito para mang-akusa ng korapsyon," ayon pa sa alkalde.

Matatandaan na nitong mga nakaraang araw ay naging matunog ang pangalan ni Sotto sa social media.

Nauna rito ang pagpopostng dating Pasig Mayor na si Bobby Eusebio tungkol sa kanyang saloobin sa sitwasyon ng Pasig ngayong paparating na pasko.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/04/bobby-eusebio-may-patutsada-nga-ba-kay-pasig-mayor-vico-sotto/

“Parating na siya si Hesukristo ang ating manunubos. Pasig, Ano na ang nangyari? Walang parol? Walang kumukutitap sa kalsada? Hindi maramdaman ang diwa ng Pasko. Pandemic pa din ba ang dahilan? Dito sa atin,ito ang makikita sa ating Lungsod…” caption ni Eusebio sa kanyang post.

Inulan ng mga pagtatanggol kay Sotto ang comment section ng kanyang post. Sumagot din si Sotto sa patutsadang ito.

“Mayroon naman, hindi lang siguro siya nakaka-ikot. Hindi lang ganoon karami. Nag-fofocus tayo sa mga bagay na sa tingin natin importante,” aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/05/vico-sotto-sumagot-sa-patutsada-ni-bobby-eusebio-nag-fofocus-tayo-sa-mga-bagay-na-sa-tingin-natin-importante/

Dumipensa naman si Eusebio at sinabi na kung may ayuda ay dapat lahat nabibigyan — pati ang mga bato ang bahay at mga nasa condominium.

“AH GANUN BA? YEHEEY! SALAMAT AT MAY AYUDA, SANA … WALANG PINIPILI, SANA MERON DIN KAHIT BATO ANG BAHAY (sabi nga niya kahit nakatira ka sa condo) AT SANA WALA RING QR PASS … KAYA KUNG SABI NINYO MAY AYUDA, “SANA ALL”. MABUHAY KA PASIG!" aniya pa.

Ngayon ay burado na lahat ng kanyang ipinost dahil "nahack" umano ang Facebook page ng dating alkalde.

"Batay sa aming pagsasaliksik ang hindi awtorisadong pag access sa aking FB Page ay nagsimula noong Disyembre 2, 2021 sa ganap na 11:22 AM. Agad naming itong naiparating sa Facebook, at sa pakikipagtulungan ng aming IT expert ay masaya kong ipinararating na atin na pong nabawi ang BOBBY EUSEBIO Official FB Page."