Nadagdagan na naman ang suplay ng bakuna sa Pilipinas matapos dumating ang mahigit pa sa isang milyong doses ng Pfizer vaccine nitong Huwebes gabi.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 ang eroplanong pinagsakyan ng 1,017,900 doses ng bakuna mula sa United States nitong Disyembre 9 ng gabi.

Paglilinaw ni National Task Force Against COVID-19 Asst. Secretary Wilben Mayor, ang nabanggit na bakuna ay gagamitin sa ikalawang bugso ng National Vaccination Days sa Disyembre 15, 16 at 17.

Paniniyak pa ng opisyal, maabot na ng bansa ang herd immunity dahil nasa 151.4 milyong doses na ang dumating na bakuna sa Pilipinas.