DAVAO CITY – Malapit nang makamit ng lungsod ang target nitong herd immunity sa mahigit isang milyong inidibidwal na ganap nang bakunadao. Layon ng pamahalaang lungsod ang kabuuang 1,299,894 na fully vaccinated na residente.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Dis. 10, sinabi ng pamahalaang lungsod na, “(a) hindi bababa sa 1,009,921 na Dabawenyo na ang nakatanggap ng kanilang pangalawang turok ng anti-COVID-19 vaccines o 77.69 percent ng target na herd community ng lungsod.”

“For first doses, Davao City has recorded 1,171,050 vaccinees or 90.08 percent of its target herd immunity,” dagdag ng pahayag.

Ipinapakita ng datos na sa 1,171,050 na unang doses, 63,124 ay mga health care workers; 107,014 ay senior citizens; 185,612 ay mga taong may comorbidities; 3,812 ay mga batang edad 12-17 taong-gulang na may comorbidities; 555,477 ay essential workers; 130,602 ay mga mahihirap; 34,851 ay nabibilang sa natitirang bahagi ng populasyon; at 90,558 para sa populasyon ng mga bata.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

May kabuuang 100,407 residente rin ang nakatanggap ng kanilang unang dosis sa pamamagitan ng mobile vaccination program ng Sangguniang Panlungsod noong Dis. 7.

Samantala, ang mga nakatanggap ng kanilang pangalawang dosis ay kinabibilangan ng 58, 120 healthcare workers; 96,996 senior citizens, 166,664 tao na may comorbidities; 1,614 batang edad na 12-17 taong-gulang na may comorbidities; 551,790 essential workers; 106,241 mahihirap; 6,919 para sa natitirang populasyon ng nasa hustong gulang; at 22,577 para sa pediatric population.

Sinabi ni Schlosser na umaasa sila na ang ikalawang bahagi ng Bayanihan Bakunahan na itinakda sa Dis. 15-17 ay “magiging kasing-matagumpay kagaya ng unang bahagi kung saan ang lungsod ay nakapagbakuna ng kabuuang 75,476 na indibidwal.

Zea Capistrano