Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na naabot na ng mga lungsod ng Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela ang herd immunity laban coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa ahensya, mahigit na sa 70% ng target population sa nasabing mga lungsod ay nabakunahan.

Sa pinakahuling datos ng DILG, umakyat na sa 38.7 milyong inidibidwal ang tuluyan nang nabakunahan.

Puntirya naman ng pamahalaan na madagdagan pa ang mga makatanggap ng 2nd dose o mga fully vaccinated sa ikalawang round ng Bayanihan Bakunahan na aarangkada sa December 15. 

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Orly Barcala