Lalo pang bumababa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, bukod sa 379 na bagong kaso ng tinamaan ng virus, aabot na lamang sa 25 ang bilang ng bagong namatay sa COVID-19.

Inihayag ng ahensya na ito na ang ikatlong pinakamababang daily tally ng pagkahawa ngayong taon.

Dahil dito, umabot na sa 49,961 ang kabuuang nasawi sa sakit, ayon sa DOH.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa 25 na namatay, limang ang naitala ngayong buwan, anim nitong Nobyembre, pito nitong Oktubre, lima nitong Setyembre at tig-isa naman nitong Agosto at Hulyo.

Sa kasalukuyan, naitala na ang 2,836,200 kaso ng sakit, kabilang na ang 11,905 na active infections.