Nadagdagan pa ang suplay ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng bansa nang dumating ang 3.6 milyong doses ng Moderna at AstraZenaca vaccine nitong Biyernes, Disyembre 10. 

Dakong 9:30 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang China Airlines flight CI701 lulan ang 2,948,000 doses na bakunang gawa ng Moderna at 698,600 doses ng AstraZeneca vaccine.

Nilinaw naman ni Dr.Ted Herbosa, special adviser ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, ididiretso sa storage facility ng pamahalaan ang 2,102,000 doses ng Moderna vaccine habang ang 846,000 doses ng AstraZeneca ay nakalaan sa pribadong sektor.

Gagamitin din aniya ito sa ikalawang bugso ng “Bayanihan Bakunahan” National Vaccination Days mula Disyembre 15-17 kung saan pitong milyong indibidwal ang puntiryang maturukan.

“We have two brands that arrived at the same time today. We’re very happy that we can use this for the Bayanihan Bakunahan 2. Our hope is to really achieve national herd immunity threshold,” paglalahad pa ng opisyal.

Martin Sadongdong