Inaresto ng Paranaque City Police ang walong drug suspect sa magkahiwalay na operasyon nitong Huwebes, Disyembre 9, at nakumpiska ang P40,800 halaga ng shabu.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director Brig. Gen. Jimili Macaraeg kinilala ang mga inarestong suspek na sina Armando Tamayo, 53; Mark Anthony Manaois Pabua, 28; Edmundo Virtudazo Cahoy, 40; Arsenio Salvador Manaois, 40; Mona Donaisa Mangudadatu, 39; lahat ay residente ng Paranaque City; at Geraldo Noveda Rivera, 40 ng Salinas 4, Bacoor Cavite.

Naaresto rin ang dalawa pang suspek na sina Carlito Velaso, 27, at Angelo Mactal, 26 habang gumagamit ng shabu sa Father St., Bgy. Baclaran.

Sinabi ni Macaraeg na ang anim na inarestong suspek ay inaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa ng miyembro ng Station Drug Enforcement (SDEU) Unit dakong 7:00 ng gabi sa Sampaguita St., Tramo I, Bgy. San Dionisio, Paranaque City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, nakumpiska mula sa anim na suspek ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000 na itinurn-over na sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Kasalukuyang nasa Paranaque City police custodial facility ang mga suspek at kinasuhan na illegal possession of drugs.

Jean Fernando