Natunton na ang lima sa pitong biyaherong returning overseas Filipinos mula sa South Africa na naunang naiulat na hinahanap ng mga awtoridad, ayon sa Department of Health (DOH).
"We have already located another five, so we are just trying to locate two of thesetravelers," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Bahagi lamang aniya ng paghihigpit ng pamahalaan ang kanilang hakbang laban sa mga biyaherong mula sa nasabing bansa kung saan unang nadiskubre ang Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dalawa na lamang aniya sa mga biyahero ang tinutunton pa ng mga awtoridad.
Isasailalim aniya sa COVID-19 test ang mga ito upang madetermina kung nahawaan na sila ng virus.
Sinabi pa ni Vergeire na kabilang ang pito sa 253 indibidwal na dumating sa bansa sa pagitan ng Nobyembre 15 at Nobyembre 29.
Matatandaang nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas upang hindi makapasok sa bansa ang mga biyaherong nagmumula sa nga bansang tinamaan ng Omicron variant.
PNA