BAGUIO CITY – Dalawang manager ang nahaharap ngayon sa kasong anti-trafficking kasabay ang pag-rescue sa 10 female workers, makaraang salakayin ng magkakasanib na puwersa ng pulisya ang isang bar sa may Marcos Highway, Baguio City.

Sa ulat ni Captain Carlos Recluta, chief of Police ng Police Station 10 ng Baguio City Police Office (BCPO), sinalakay ng magkakasanib na puwersa ng pulisya sa pangunguna ng Regional Special Operation Group (RSOG), kasama ang personnel ng Department of Social Worker and Development (DSWD) ang Pharazuz Bar dakong alas 10:55 ng gabi ng Disyembre 9.

Ang operation ay isinagawa base sa reklamo umano ng isang dancer na pinipilit umano silang magsayaw ng huwad at mag-alok ng panandaliang-aliw sa mga kustomer.

Ayon kay Recluta, dinakip ang dalawang manager na sina Louie Macatuno Jamora, 33, tubong Las Pinas City at nakatira sa Sto Tomas Proper, Balacbac, Baguio City at Roldan Dela Cruz Mangila, 38, wardrobe manager, tubong Caloocan City at nakatira sa Gibraltar, Pacdal, Baguio City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 na kilala sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, as amended by RA 10964 o’ Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Ang sampung female worker ng bar na hindi naman mga menor de edad ay na custody ngayon ng DSWD, na pawang taga-ibang lugar at ni-recruit lamang na magtrabaho sa lungsod.

Inirerekomenda ang pagsara sa nasabing bar dahil umano sa paglabag sa iba’ibang city ordinance at paglabag sa IATF protocols and guidelines.

Zaldy Comanda