Posibleng mabuo bilang bagyo ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng Pilipinas bago ito pumasok sa bansa sa susunod na linggo.

Ito ang pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Disyembre 10 at sinabing huli itong namataan sa layong 2,400 kilometro Silangan ng Mindanao.

Inaasahan naman ni PAGASA weather forecaster Raymondo Ordinario, na papasok sa bansa ang bagyo sa Disyembre 13 o sa Disyembre 14.

Pinayuhan din nito ang publiko na subaybayan pa rin ang mga susunod na abiso ng pamahalaan dahil posibleng dumaan ang sama ng panahon sa bahagi ng Visayas at Southern Luzon sa mga susunod na araw.

Sa kasalukuyan, umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang shear line o ang tail-end ng frontal system at ang amihan o northeast monsoon.

Ellalyn De Vera-Ruiz