Mukhang blooming at masayang-masaya ang tinaguriang 'Crystal Voice of Asia' na si Sheryn Regis matapos ang pag-amin at pagbabahagi niya sa publiko na in a relationship siya sa LGBTQIA+ member at YouTuber na si Mel De Guia.

Sheryn Regis at Mel De Guia (Screengrab mula sa IG/Sheryn Regis)

Sheryn Regis at Mel De Guia (Screengrab mula sa IG/Sheryn Regis)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Naging 'malaya' na ang Cebuana power belter sa pagbabahagi ng kanilang sweet moments sa social media at mukhang magkasosyo pa sila sa negosyo na 'torta' o Bisayang mamon.

Si Sheryn ay hiwalay na sa kaniyang asawang si Earl Echiverri. May isa naman silang anak na babae.

Isa sa mga bumati sa kaniya ay ang mahusay na singer na si Ice Seguerra (dating Aiza Seguerra) na miyembro din ng LGBTQIA+ community at mister ni Liza Diño.

"So happy for you!" pagbati ni Ice na may heart emoticon pa.

"Thank you Ice!' tugon naman ni Sheryn.

Sheryn Regis at Mel De Guia (Screengrab mula sa IG/Sheryn Regis)

May be an image of 1 person
Sheryn Regis at Mel De Guia (Screengrab mula sa TikTok/Mel De Guia)

May be an image of 1 person
Sheryn Regis at Mel De Guia (Screengrab mula sa TikTok/Mel De Guia)

Nakilala at sumikat si Sheryn sa unang season ng 'Search for the Star in a Million (na segment lamang sa ASAP) ng ABS-CBN at naging first runner-up ng Grand Winner na si Erik Santos, noong 2003.Naging kontrobersyal pa ito dahil inakala ng lahat na siya ang magiging kampeon, dahil consistent number 1 siya sa weekly finals hanggang sa tatlo na lamang silang natira para sa Grand Finals, nina Erik Santos at Marinel Santos. Dito rin sa kompetisyon na ito nagsimula si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista na nasa GMA Network na.

Matapos ang kompetisyon, siya ang umawit ng mga theme songs ng mga fantaserye at teleserye sa ABS-CBN gaya ng 'Marina', 'Krystala', 'Kampanerang Kuba', 'Gulong ng Palad', 'Maria Flordeluna', at 'Prinsesa ng Banyera'.