Nakatakda na lamang na magdaos ng mga localized na Traslacion ng Poong Itim na Nazareno ang Minor Basilica of the Black Nazarene, o mas kilala sa tawag na Quiapo Church, kasunod na rin nang nauna nang napagkasunduan na suspindihin muli ang tradisyunal na Traslacion na dapat sana ay idaraos sa Enero 9, 2022.
Ayon kay Quiapo Church Parochial vicar Fr. Douglas Badong, localized Traslacion events ang ipapalit nila sa Traslacion 2022 upang maiwasan ang pagdagsa ng malaking bilang ng mga deboto sa Maynila sa araw ng kapistahan ng Itim na Nazareno, ngayong nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.
Nabatid na ang naturang localized Traslacion ay isasagawa mula Disyembre 27, 2021 hanggang sa Enero 8, 2022.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na hindi magdaraos ang Quiapo Church ng tradisyunal naTraslacion dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Narito ang listahan ng mga localized Traslacion na nakatakdang idaos ng Simbahang Katoliko sa iba’t ibang lugar, kung saan dadalhin ang imahe ng Itim na Nazareno:
Dis. 27-29, 2021: Atimonan Catholic Church - Atimonan, Quezon
Dis. 28-30, 2021: Baguio Cathedral of Our Lady of the Atonement o Baguio CathedralDis. 29, 2021 hanggang Enero 2, 2022: St. Ferdinand Cathedral, Lucena City
Dis. 30, 2021 hanggang Enero 2, 2022 - Birhen ng Antipolo - Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral
Dis. 31, 2021 hanggang Enero 1, 2022 - Caritas Manila
Enero 1-2, 2022: Chapel of St. Lazarus o San Lazaro Hospital; Shrine of Our Lady of Namacpacan, La Union
Jan. 2-3, 2022: National Capital Region Police Office (NCRPO); St. John the Evangelist Cathedral, Lingayen, Dagupan; Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit o San Pablo Cathedral; San Roque Cathedral - Diocese of Kalookan
Enero 3-4, 2022: Manila PIO o Manila City Hall; St. Nicholas of Tolentine Parish; Cathedral/Historic Cabanatuan Cathedral, Cabanatuan City; Metropolitan Cathedral of San Sebastian - Archdiocese of Lipa; Novaliches Cathedral
Enero 4-5, 2022: Greenbelt Chapel, Ayala Center; San Sebastian Cathedral Parish Tarlac, Poblacion, Tarlac City; The Roman Catholic Parish Church of St. John the Baptist City of Calamba, Calamba City; The Immaculate Concepcion Cathedral of Cubao
Enero 5-6, 2022: Bureau of Fire Protection-Main Office; Katedral ni San Jose, Nueva Ecija; Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar-Imus Cathedral; Immaculate Conception Cathedral of Pasig
Enero 6-7, 2022: DZRV 846/ Radyo Veritas 846; Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga; The Cathedral Parish of St. Andrew, Paranaque; The Manila Cathedral - Minor Basilica of the Immaculate Conception
Enero 7-8, 2022: San Carlos Seminary - Archdiocese of Manila, Guadalupe, Makati; Malolos Cathedral - Immaculate Conception Parish Cathedral and Minor Basilica; Baclaran Church - National Shrine of Our Mother of Perpetual Help, Paranaque
Enero 8, 2022: The Nazarene Catholic School (OFFICIAL), Hidalgo St., Quiapo, Manila.
Mary Ann Santiago