Babalik na ng Baguio sa Disyembre 10 (Biyernes) si Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio upang makasama ang kanyang mga national boxing teammates sa training bubble nila sa Teachers Camp at makabalik sa kanyang fighting shape bilang paghahanda sa nakahanay na tatlong malalaking kompetisyon sa susunod na taon.

Ayon kay Petecio, pinaplano nila na idepensa ang kanyang world championship gold medal sa Istanbul sa Marso sa susunod na taon.

“Gusto ng mga coaches ko na lumaban ako sa Turkey para ma-defend ko 'yung title ko,” pahayag ni Petecio. “Pero siyempre dapat bumalik muna ako sa aking fighting form."

Si Petecio ang reigning women’s featherweight world champion matapos manalo sa Ulan-Ude, Russia noong 2019. Ngayong buwan dapat idaraos ang women's world championship ng International Boxing Association. Gayunman, iniurong ito sa Marso 2022 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Maliban sa world championships, kabilang sa paghahandaan ni Petecio ay ang 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi at ang 19th Asian Games sa Huangzhou sa Setyembre.

Matatandaang mataposmagwagi ng Olympic silver medal, hindi na nakapagsanay ng husto si Petecio ng halos tatlong buwan kung kaya naging overweight ito.

Umaasa si Petecio na madali naman niyang maibabalik ang kanyang training weight na 60 kgs hanggang umabot sa featherweight limit na 57 kgs.

“Magaling 'yung nutritionist namin si Jeaneth Aro, siya ang tutulong sa akin sa training," ayon pa kay Petecio.

Marivic Awitan

ReplyForward