Isinama ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong Marcos Jr. si dating Public Works and Highways secretary at senatorial candidate Mark Villar sa kanyang senatorial slate sa darating na halalan sa 2022.
Kinumpirma ni Marcos Jr. ang pagiging parte ni Villa sa UniTeam matapos sumali ang dating Cabinet member sa kanya at sa kanyang kaalyado na si vice presidential candidate Sara Duterte, sa isang political rally sa Cavite nitong Huwebes.
Ang UniTeam ay isang alyansa sa pagitan nina Marcos at Duterte, na kabilang sa magkaibang partido.
“Kaya (So) we shouldn’t have been surprised na sumama siya sa lakad namin kaninang umaga. So, yes that’s the reason why Mark Villar is part of our Senatorial list,” ani Marcos.
“Mark Villar is one on the first of our senatorial lists because siya ang una kong nakausap. Bago pa magfiling maliwanag ang kanyang balak na tumakbo bilang senador at magkaibigan naman talaga kami ng mga Villar dahil galing nga ako ng NP (Nacionalista Party)." dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Marcos na iaanunsyo niya "sa mga susunod na araw" ang kanyang kumpletong senatorial slate.
“We just have to fix the arrangement between the different parties. Yun na lang, mga formalities na lang ng mga grupo. So, that is the situation right now,” dagdag pa ng dating senador.
Pinangunahan ni Marcos at Duterte ang kanilang political party sa Bacoor City, Cavite. Kasama nila sina Villar, senatorial aspirants Harry Roque at Jinggoy Estrada, congressional aspirant Gloria Arroyo, at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.
Joseph Pedrajas