Sinagot ng mga taga-suporta ni Bise Presidente Leni Robredo o 'Kakampinks' mula sa Iloilo kung bakit si Robredo ang napupusuan nila para sa pagka-presidente.

Sa bagong uploaded video sa social media ni Robredo, buong tapang na sinagot ng mga supporters ang tanong na 'Bakit si Leni?'

Ayon sa isang taga-suporta, sa lahat ng presidential candidates, naniniwala siya na 100% na matutulungan ni Robredo ang bansa.

Sinundan naman ito ng pagsagot ng isa pang Kakampink, na sinabi na malinis ang track record ng bise presidente.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Alam niya po 'yung mga pinagdaanan nating mga mahihirap. Bago pa man siya pumasok sa politika, naging lawyer po siya. Naglingkod po siya para sa mahihirap. Pinaglaban niya po 'yung mga magsasaka," ani ng isang taga-suporta.

Isang taga-suporta naman mula sa Naga ang nagpahayag ng karanasan niya sa ilalim ng pamamahala ni Robredo lalo na noong siya pa Congresswoman pa lamang. Aniya, maganda ang mga naging proyekto nito para sa kanyang mga nasasakupan.

"Kasi mahal na mahal namin si Leni. Alam namin na kay Leni may pag-asa. May kinabukasan ang ating bansa sa kanyang leadership. Siya ang nagdadala ng sincere service to the poor and to the marginalized sectors," pahayag ng isang Kakampink.

Naniniwala naman ang isang taga-suporta ni Robredo na ang lahat ng katangian sa isang lider ay nasa sa kanya na at siya ang fit para sa posisyon ng pagka-presidente ng bansa.