Ipinagbabawal na muna ng gobyerno ang pagpasok sa bansa ng mga biyahero mula sa France bunsod na rin ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Idinahilan ni Bureau of Immigration (BI) na alinsunod na rin ito sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management  of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Bukod dito, sinabi ng BI na nakahanda na rin silang isama sa Red List ang nasabing bansa simula sa Disyembre 10.

Nilinaw ng BI na hanggang Disyembre 15 lamang ang naturang pagbabawal. 

Gayunman, pinapayagan pa ring pumasok sa bansa ang mga Pinoy sa pamamagitan ng government o non-government initiated repatriation flights.

Sa kasaluyan, kasama pa rin sa red list ng gobyerno ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy.

Jun Ramirez