Aapela ang Department of Education (DepEd) sa Commission on Elections (Comelec) para sa dagdag-honoraria sa mga gurong magsisilbi sa national and local elections na nakatakdang idaos sa susunod na taon.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, una na silang humingi sa Comelec ng mas mataas na honoraria para sa mga guro ngunit hindi umano ito inaprubahan ng komisyon.

Tiniyak naman ni Garma na muli silang dudulog sa Comelec upang iapela ang naturang desisyon ng poll body.

“We requested the Comelec to have that increase in honoraria, it was initially disapproved by the Comelec so we will be appealing,” ani Garma, sa panayam sa telebisyon.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

“I think the position of DepEd is really to appeal for that increase in the honoraria,” dagdag pa niya.

Nauna rito, noong Nobyembre 10 ay una nang inilabas ng DepEd ang inaprubahan nitong honoraria at allowances para sa mga miyembro ng Electoral Board at iba pang poll workers.

Gayunman, sinabi ng DepEd na ang naturang rates ay mas mababa sa kanilang ipinanukalang remuneration noong Hunyo.

Mary Ann Santiago