Naichika ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute' na hindi na raw sumasama ang kandidato sa pagka-konsehal ng Olongapo City na si Claudine Barretto sa tuwing umiikot ang partidong kinabibilangan niya, na ang standard bearer at tumatakbong alkalde ay ang talent manager na si Arnold Vegafria.

Pahayag ni Cristy sa kaniyang programa kasama ni Romel Chika, "Hindi na raw po sumasama si Claudine dahil ang pangako daw sa kanya ni Arnold Vegafria nang kunin siya para tumakbo bilang konsehal ay si Arnold ang taya sa lahat ng gastos. Wala raw anumang gagastusin si Claudine basta tumakbo raw."

Chika ng source ni Cristy, hanggang ngayon daw ay wala pang bumababang pondo kay Claudine mula sa ipinangako umano ng talent manager at tumatakbong alkalde. Ayon pa kay Cristy, saan nga naman kukuha si Claudine ng pangampanya niya kung wala naman itong proyekto ngayon sa showbiz.

Sumagi pa sa isipan ni Cristy ang sinabi nang mabalitaan niyang tatakbong konsehal ang aktres, na maaaring sa umpisa lamang daw ay nariyan ito at darating ang panahong unti-unting mawawala. Pabago-bago raw kasi ang isip ni Claudine na sumikat nang gusto sa kaniyang soap opera noong 90s na 'Mula sa Puso'.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

“Una, nagbago na ang takbo ng kanyang isip. Pabago-bago naman talaga ang takbo ng utak nitong si Claudine… At ang pinakamahalaga, sinabi po ng aming common friend na wala pong pondong ibinababa pa si Arnold Vegafria. Wala pa pong pera na ibinibigay sa kanya kaya hindi na siya sumasama sa pag-iikot ng kanilang partido sa Olongapo,” pagbabahagi ni Cristy.

Sabi pa ni Cristy, sadya umanong mahirap sumabak sa politika kung walang pera. Para umano itong baril na kung wala namang bala ay wala ring saysay.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang kampo ni Claudine o mismong opisyal na pahayag mula kay Arnold.