'Traditional meets the modern'

Ipinagmalaki ng isang tattoo artist ang 'once in a lifetime' opportunity nito na makasalamuha ang oldest traditional tattoo artist sa Pilipinas na si Apo Whang Od noong Nobyembre 26.

Sa Facebook post ni Diegz Madrona, 31, mula sa Hagonoy, Bulacan, ibinahagi nito ang karanasan niyang ma-tattoo-han si Whang Od.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Larawan: Diegz Madrona/FB

"Apo Whang Od, the living national treasure known as the oldest "mambabatok"gave me a great honor and It was a great experience to be given the chance to tattoo Whang Od."

Aniya, nagulat siya nang humiling si Whang Od na lagyan ito ng tattoo gamit ang modernong pagta-tattoo.

"I was surprised when she requested if i could tattoo her with my machine, as I had only intended to take a picture with it. I was overjoyed since I hadn't expected to have the opportunity to tattoo one of the world's oldest 'mambabatok,'" pagbabahagi ni Madrona.

Wireless ep8, needle quelle and buscalan traditional ink ang ginamit ni Madrona sa paglalagayan ng tattoo kay Whang Od.

Ani Madrona, hindi umano nakakaramdam ng sakit mula sa pagta-tattoo si Whang Od nang tintahan niya ito ngunit nang itinigil na niya ang

pagta-tattoo ay naramdaman na nito ang sakit ngunit sinabi ni Whang Od na natitiis niya ito.

Sa ngayon, umani na ng 3.6K likes ang Facebook post ni Madrona.

Si Mandrona ay mayroon nang 11 taon sa industriya nagpata-tattoo.

Matatandaan na noong 2018, opisyal nang iginawad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang 2018 Dangal ng Haraya Award for Intangible Cultural Heritage sa pinakamatandang tattoo artist sa bansa, ang 104-anyos na si Apo Whang-Od.

Sa mismong bayan niya sa Kalinga Capitol Plaza sa Tabuk, Kalinga ginanap ang seremonya.