Patuloy na bumababa ang aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Muntinlupa City.
Sa datos ng Muntinlupa City government noong Disyembre 8, mayroon na lamang 27 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot sa 27,587 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso, 26,981 naman ang recoveries, at 579 ang namatay simula nang mag-umpisa ang pandemya noong 2020.
Ayon sa ulat ng OCTA Research, ipinakita na ang average daily attack rate (ADAR) o incidence ng Muntinlupa ay 0.55 kada araw kada 100,000 population mula Dis. 1 hanggang 7, ito ang ikalimang pinakamababa sa mga local government units (LGUs) sa National Capital Region.
Ang San Juan at Taguig ay mayroong highest COVID-19 incidence na may 1.51 at 1.15 kada 100,000 population, respectively.
Samantala, patuloy pa rin ang pagbabakuna ng lungsod sa mga matatanda at bata. Inanunsyo ng Muntinlupa COVID-19 Vaccination Program (MunCoVac) nitong Dis.7 na sinunpendido nila ang pag-aadminister ng booster shorts dahil sa limitadong suplay ng bakuna.
Ayon sa MunCoVac, second dose lamang ang mai-aadminister hanggang sa dumating ang bagong suplay ng bakuna.
Jonathan Hicap