Sa wakas, natuloy na rin ang matagal nang balak ng mag-asawang Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan na pansamantalang manirahan sa Amerika, matapos nilang lumipad patungo rito noong Sabado, Disyembre 4.

Sa Virginia, USA daw muna maninirahan ang mag-asawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanilang mga larawan ng mister habang sila ay nasa Dulles International Airport sa Virginia.

“Parang para sa amin ang caption… yes NORTH VIRGINIA HERE WE COME… OUR JOURNEY BEGINS HERE…" saad ng Comedy Queen sa kaniyang IG post.

"Thank you dear LORD and mother MARY… we landed safely… love you my darling this is it start na ng buhay natin together @gerald_sibayan," dagdag pa ni Ai Ai.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan (Larawan mula sa IG)

Matatandaang batay sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Ai Ai noong Setyembre, gusto na ng Comedy Queen na lasapin naman ang saya ng pagiging US citizen dahil balak nitong petisyunin ang asawang si Gerald.

Kung sakaling babalik pa si Ai Ai sa Pilipinas, tiyak daw na ang 'uuwian' niyang proyekto ay ang singing competition ng GMA Network na 'The Clash'.

Ngayon na lamang daw mararamdaman ni Ai Ai ang simpleng pamumuhay ng isang simpleng maybahay. Naging abala kasi Ai Ai sa kaniyang showbiz career gayundin sa pag-aasikaso sa kaniyang ina na nasa Pilipinas. Kailangan kasing manirahan ni Gerald sa Amerika bilang bahagi ng petisyong maging US citizen din ito.

“Although, babalik naman ako dito, kasi yung nanay ko matanda na, so bibisitahin ko," ani Ai Ai. Gusto raw niyang ma-enjoy ang kaniyang green card.

“Sa totoo lang, ngayon pa lang ako magiging may asawa, na ang priority ko si Gerald. Bukod sa ipe-petition ko siya, kailangan niya rin ng kasama doon sa Amerika."