Ang Pateros ang nag-iisang local government unit (LGU) sa Metro Manila na walang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na pitong araw.

Ang munisipalidad na pinakamaliit sa National Capital Region (NCR) ay naging COVID-19-free sa nakalipas na apat na araw.

Nagpapakita ang datos mula sa Pateros Health Department na nitong Dis. 7, walang aktibong kaso ng COVID-19 at walang bagong kaso sa lugar na may kabuuang 7,952 na kumpirmadong kaso, 7,846 na nakarekober, at 106 na namatay.

Naglabas ng ulat si Dr. Guido David ng OCTA Research kung saan ipinakita nito na walang bagong kaso ng COVID-19 sa Pateros mula Dis. 1 hanggang 7 at may zero percent growth rate kumpara noong Nob. 24 hanggang 30.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nasa 0.14 ang reproduction number ng Pateros noong Dis. 4 habang 27 percent naman ang healthcare utilization rate, at 17 percent naman ang intensive care unit (ICU) occupancy rate mula nitong Dis. 6.

Nasa ‘very low risk’ ang Peteros at 10 iba pang LGUs sa Metro Manila ayon sa pagsukat ng OCTA Research.

Sa isang panayam sa CNN Philippines nitong Dis. 6, sinabi ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III na mula Nob. 13 hanggang Dis. 5, ang resulta ng arawang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) ng munisipyo nanatiling zero positive case.

"I think we can attribute these three to the very high vaccination rollout that we have been doing in our town considering that out of the total population I believe that we have already vaccinated, we fully vaccinated around 96 percent of our adult population,” sabi ni Ponce.

Idinagdag niya na nasa 75 percent na ng mga menor de edad na may edad 12 hanggang 17 taong-gulang ang nabakunahan na ng kanilang unang dosis habang 44 percent ng mga menor de edad ay ganap nang bakunado sa kanilang munisipyo.

Sa gitna ng banta ng Omicron variant, sinabi ni Ponce na magpapatupad sila ng mas mahigit na panuntunan ngayong panahon ng Pasko “dahil ayaw nating magkaroon ng surge pagkatapos ng holidays.”

“That is why we are trying to limit those who will be allowed to engage in caroling and we have to limit also the celebration of Christmas party. So this is our way of preventing and not being confident of what we have already attained right now,” sabi ni Ponce.

Jonathan Hicap