Nag-ulat ng 370 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Dis. 8.

Sa pinakahuling tala ng DOH, nasa 859 na rin ang bagong mga gumaling at 171 bagong nasawi sa sakit.

Dahil sa 370 bagong kaso, umabot na sa 2,835,593 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa simula nang pumutok ang pandemya.

Ang kabuuang recoveries ay umakyat sa 2,773,322 habang ang kabuuang bilang ng mga nasawi ay tumaas sa 49,761.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Sinabi ng DOH sa 171 na naiulat na pagkamatay, 6 lamang ang naganap noong Dis. 2021.

Idinagdag nito na 19 percent ng mga naiulat na pagkamatay ngayon ay naganap noon pang Nobyembre dahil sa late na pagtala ng impormasyon sa COVIDKaya.

“This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” sabi ng DOH.

Sinabi ng DOH na 27 duplicate ang tinanggal mula sa kabuuang bilang ng kaso dahil 25 sa mga ito ay nakarekober at isa ang namatay.

"In addition, 95 cases were found to have tested negative and have been removed from the total case count. Of these, 92 are recoveries,” sabi ng DOH.

“Moreover, 150 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” dagdag nito.

Ayon sa DOH, dalawang laboratoryo ang hindi operational noong Dis. 6 habang lima naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Idinagdag nito na batay sa datos sa huling 14 na araw, ang pitong lab ay nag-aambag, sa karaniwang 1.2 percent ng mga sample na nasuri at 1.9 pecrent ng mga positibong indibidwal.

Leslie Ann Aquino