“Lapulapu," hindi “Lapu-Lapu” ang tamang pagkakabaybay sa pinakaunang bayani ng bansa.

Ang standard spelling ng pangalan ng kagalang-galang na Cebu warrior-leader ay ang paksa ng Executive Order (EO) No. 152, na nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Martes, Dis. 7. Nakatanggap ang mga mamamahayag ng Palasyo ng dalawang pahinang direktiba sa parehong araw.

“Adopting a common rendering of the name Lapulapu, so as to conform to earlier references, will aid in the education of our youth about Philippine history which is foundational to the formation of national identity,” pagsasad ng EO No. 152.

Nakasaad dito na ang pangalang Lapulapu “is understood to refer to the Filipino hero who bravely and victoriously fought in the Battle of Mactan in the 16th century”.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang labanan ay naging pamoso na naging sanhi ng pagkamatay ng manlalakbay na Portuguese na si Ferdinand Magellan, na namuno sa makasaysayang 1519 Spanish expedition.

Lapulapu

“Thus, all references to the name ‘Lapu-Lapu’ in EO No.17, as amended, and EO No.55, as amended, are hearby amended to read as ‘Lapulapu,'” direktiba ng Palasyo.

Dagdag pa nito, “All government agencies and instrumentalities, including government-owned or controlled corporations, and dtate universities and colleges, are hereby directed, and local government units, non-government organizations, civil society groups, and the private sector, are hereby enjoined to adopt ‘Lapulapu’ when referring to the name of the first Filipino hero.”

“The foregoing notwithstanding, the official names of places such as Lapu-Lapu City, having been established by statute, shall continue to be respected,”

Ayon sa EO, ang pinakaunang pangalan ng bayani ng Mactan sa pagkakabaybay sa Latin alphabet ay “Cilapulapu,” kung saan ang “Ci” ay tila isang titulo ng karangalan.

Ito ay kung paano nakuha ng mga bayani ng rebolusyonaryong panahon ng Pilipinas tulad nina Dr. Jose Rizal at Juan Luna ang kanilang sariling pagtukoy sa kanya bilang “Si Lapulapu.”

Lapulapu din ang lokal na pangalang ibinigay sa grouper fish.

Ellson Quismorio