Sa gitna ng pag-iral ng travel ban dahil sa paglitaw ng bagong Omicron variant ng coronavirus disease (COVID-19), pinayuhan ang mga Pinoy na na-stranded sa South Africa na manatiling kalmado at makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas.

Sa isang pahayag nitong Dis. 6, nagsabi ang Embahada ng Pilipinas sa Pretoria, South Africa na ito ay “fully aware” sa mga kaso ng mga Pilipinong na-stranded sa South Africa at mga kalapit na bansa dahil sa paghihigpit sa paglalakbay.

Dahil dito, hinimok ng Embahada ang mga stranded na Pilipino na hindi pa naiuulat ang kanilang sitwasyon na “agad na makipag-ugnayan sa kanila."

“Doing so would facilitate the smooth communication line between the Embassy and the concerned Filipinos,”sabi ng Embahada habang idinagdag na maaaring makontak ng mga Pilipino ang mobile o WhatsApp number ng Embahada sa (+27825569935) o sa pamamagitan ng email sa ([email protected]).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Umapela rin ito sa mga stranded na Pilipino na “manatiling kalmado at patuloy na sundin ang mga COVID-19 protocols sa gitna ng hamon ng panahon.”

Pinayuhan din nito ang mga Pilipino na mahigpit na makipag-ugnayan sa kanilang mga ahensya o employer at travel agents sa rescheduling ng kanilang mga flight at humingi ng tulong sa kanilang mga sponsor sa pagpapalawig ng kanilang visa sa ibang bansa.

Tiniyak ng Embahada ang publiko na “it is closely monitoring the COVID-19 situation in the Southern African region as it evolves.”

“In line with its mandate to promote and protect the interests of overseas Filipinos, the Embassy stands ready to provide appropriate assistance and support to the stranded Filipinos,” sabi nito.

Betheena Unite