Bunsod ng lumalaganap na pagpapadala ng spam text messages at mobile scams sa maraming tao sa iba't ibang parte ng bansa, isang mambabatas ang nanawagan sa Kamara na imbestigahan ang mga panlolokong ito.

Maraming tao o users ng social media ang patuloy na nag-rereport na tumatanggap sila ng text messages mula sa walang numberong mobile phone at hindi kilalang mobile numbers, at nagpapaalala sa kanila tungkol sa umano'y alok na trabaho, "prize awards, discount and sale links, and surveys, among others."

Naghain si Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna) ng House Resolution No. 2393 na nananawagan din sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) at National Privacy Commission (NPC) "to immediately further strengthen their monitoring, safeguard and regulatory mechanisms to prevent and stop the proliferation of text scams that could affect and/or endanger the lives of the Filipino people, especially during this pandemic."

Binigyang-diin ni Zarate, miyembro ng Makabayan bloc, na may mandato ang DICT na "siguruhin at protektahan ang mga karapatan at kagalingan ng libu-libong consumers at business users sa kanilang privacy, security, and confidentiality in matters relating to ICT."

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bert de Guzman