Inunahan na ni senatorial candidate Robin Padilla ang mga netizen na huwag nang punahin ang baligtad na bandila ng Pilipinas sa isa sa mga litratong ibinahagi niya sa kaniyang Facebook account nitong Disyembre 7, 2021.

Sa naturang litrato, makikitang isinasagawa ni Robin ang pagdarasal sa paraan ng mga Muslim. Makikita naman na nakasampay sa isang telebisyon ang bandila ng Pilipinas, na ang pula ay nasa kaliwa at ang asul ay nasa kanan.

Sa aktuwal na pagwawagayway nito, ang asul ang nasa kaliwa at pula naman ang nasa kanan.

"Wag n'yo na po kwestiyonin ang pagkakaayos ko ng aking personal na bandila natin na baon ko sa aking paglalakbay,

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

personal ko po itong motibasyon sa sarili ko na pagkatapos magdasal ng fajr ay mag-Lupang Hinirang sa ganyang pagkakaayos ng bandila," ani Robin sa kaniyang Facebook post.

May be an image of 1 person and indoor
Robin Padilla (Larawan mula sa FB/Robin Padilla)

"Yan po ang aking inspirasyon sa araw-araw upang hindi ko po makalimutan na ako ay nasa giyera laban sa kahirapan, korupsyon at kolonisasyon."

"Pansarili ko lamang po ito. Pagdating sa mga publikong pagtitipon o proyektong pangpubliko, asul ang mando."