Naiuwi ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P398 milyong halaga ng kagamitan para higit pang mapahusay ang mga operasyon ng organisasyon sa kanilang pagpapatupad ng batas.

Sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ang bagong mga biniling kagamitan ay pinondohan sa pamamagitan ng alokasyon para sa Capability Enhancement Programs (CEPs) 2019, 2020 at 2021, Congress-Introduced Initiative Appropriation Balance 2018 at Operational Transfromation.

Kabilang sa mga nabili ang 161 units patrol jeeps; 594 Tactical Vest Level 3A1,389 Upgrade Plates Level 4; 3,106 Undershirt Vest Level 3A; 10 units Rapid Deployment CCTV System; (1 Lot) Assault Rifle; at 22 units integrator.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Ronaldo Olay, direktor ng PNP Directorate for Logistics, ang mga patrol veheicle ay ipamamahagi sa mga police station habang ang tactical at undershirt armor vests ay ibibigay sa Provincial Mobile Force Companies.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa kabilang banda, ang mabilis na pag-deploy ng CCTV system ay gagamitin ng Diretorate for Operations habang ang mga integrator ay magiging benepisyal para sa iba’t ibang Police Regional Offices.

“The new units patrol jeeps will be immediately distributed to different police stations across the country to boost their police patrol operations as part of intensified security drive in communities in times of national health crisis,”sabi ni Olay.

Aaron Recuenco