Muling binigyang-diin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) nitong Martes, Dis. 7 ang panawagan nito na ibasura ang Anti-Terror Law, mahigit isang taon matapos itong maging isang ganap na batas, at sinabing banta ito sa malalayang pagpapahayag ng saloobin.

Inilarawan ng Department of Justice ang batas bilang pinakahuling pagsisikap na tugunan ang isyu ng terorismo at mga kaalyadong aktibidad habang tinitiyak ang proteksyon ng mga karapatang sibil at proteksyon ng bansa.

Sa isang pahayag, binanggit ng NUJP ang mga sumusunod na dahilan kung bakit banta ang batas sa free speech: ang pagiging malabo nito; ang burden of proof; ang “pag-udyok sa terorismo’ ay banta sa free speech; maaari itong gamitin laban sa mga mamamahayag, at ang mabigat na parusa nito ay maaaring magdulot ng takot.

“The definition of terrorism under section four is vague. It used the word ‘intended’ to qualify that acts ‘intended’ to cause harm, damage and interference can be terrorism,” sabi ng NUJP.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ipinaliwanag ng grupo na ang kawalan ng kalinawan ay nagbibigay ng malawak pagkakataon sa mga “malicious overzealous law enforcers” upang akusahan na ang anumang anyo ng pagpapahayag ay may layunin na magdulot ng pinsala, pukawin o destabilize ang gobyerno.

Binigyangp-diin din ng NUJP na ang paalala sa section four na nagsasabi na ang protesta, hindi pagsang-ayon, at anumang katulad na paggamit ng mga karapatang sibil at pampulitika ay hindi terorismo, maliban kung ito ay naglalayong magdulot ng kamatayan o malubhang pisikal na pinsala sa isang tao upang ilagay ang buhay nito sa panganib o lumikha ng isang panganib na banta sa kaligtasan ng publiko.

“According to petitions, this shifts the burden of proof. When accused of terrorism, the dissenter is forced to prove how he or she did not intend to cause harm,”sabi ng NUJP.

Samantala, ipinunto rin ng grupo na ang section nine “inciting to terrorism” ay isang “bagong krimen” sa ilalim ng batas.

“Under this section, an artist or a provocative cartoon or filmmaker of a political movie can be accused of inciting to violence,” dagdag ng NUJP.

Tinuligsa rin ng grupo kung paano magagamit ang batas laban sa mga mamamahayag at lumikha ng “isang malaking chilling effect sa sinumang maglakas-loob na magsalita ng kanilang isip.”

Nilagdaan ni Pangulong Duterte bilang batas ang Anti-Terrosim Act noong Hulyo 3, 2020 at nagkabisa noong Hulyo 18 sa parehong taon.

Charlie Mar F. Abarca