Ipinag-utos na nina Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pagpapamahagi ng ‘Noche Buena’ packages para sa may 700,000 pamilyang naninirahan sa lungsod.

Kinilala ni Moreno ang ginawang hakbang ng Manila City Council sa pagtitimon ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang presiding Officer, majority floor leader Atty. Joel Chua at President Pro Tempore Jong Isip dahil na rin sa mabilis na paggawa ng mga ito ng hakbang upang mapagkalooban ng kinakailangang budget ang nasabing 'Noche Buena' packages.

“Ito po ay sa tulong na rin ng pinagsama-samang effort at bilis-kilos ng ating mga kawani sa ilalim nina City Engineer Armand Andres, Manila Traffic and Parking Bureau head Dennis Viaje, social welfare department chiefRe Fugoso at department of public services chief Kenneth Amurao na ating inatasan upang ihatid itong simpleng Pamaskong handog namin sa inyo,” ayon sa alkalde.

Ani Moreno, ang mga Christmas food boxes ay inaasahang makakarating sa pinaka-depressed na bahagi ng lungsod upang matiyak na ang mga pamilya dito ay mayroong pagsasaluhan sa Bisperas ng Kapaskuhanat sa mismong araw ng Pasko.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinimulan nina Moreno at Lacuna ang pamimigay ng 'Christmas food packages’ sa District 1 at inaasahan na magpapatuloy ito sa mga susunod na araw hanggang sa mabigyan na ang lahat ng pamilya sa anim na distrito ng Maynila.

Sinabi pa ni Moreno na anggift-giving activity ay munting paraan ng lokal na pamahalaan na kalingain ang mga residenteng walang kakayahan na makabili ng kanilangNocheBuena sa Kapaskuhan.

Ayon pa sa alkalde, batid niya ang nararamdaman ng walang makain o mapagsaluhan sa panahon ng Kapaskuhan. Ito aniya ay isang malungkot na karanasan na ayaw niyang maranasan ng mga pamilya.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Fugoso na ang bawat food boxes ay naglalaman ng food items na karaniwang inihahanda sa Noche Buena.

Sa kasalukuyan, may 134 barangay na mulaDistricts 1 at 2 ang tumanggap na ng kanilangChristmas boxes.

Ang Maynila ay binubuo ng may 896 barangay.

Mary Ann Santiago