"Tubiiiig!"

Ito ang matinding panawagan ngayon ng libu-libong residente mula sa ilang barangay na apektado ng water interruption o walang supply na tubig sa Las Piñas City simula ngayong Disyembre 7 hanggang 22.

Sa inilabas na abiso ng Maynilad Water Services, Inc. na lumaki ang turbidity sa raw water ng Laguna Lake kaya nagpasya silang bawasan ang produksiyon sa kanilang  treatment plants. 

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Sa resulta nito, apektado ang mga customers ng mga barangay sa CAA, Manuyo Dos, Pamplona Uno to Pamplona Tres, Pulanglupa Uno, Pulanglupa Dos, Talon Uno at Zapote sa Las Pinas City kung saan makararanas ng araw-araw na water service interruption sa pagitan ng 7:00 ng gabi at 6:00 ng umaga sa loob ng 16 na araw.

Bukod dito, apektado rin ang mga residente sa bahagi ng mga barangay Almanza Uno, Pilar at Talon Singko sa lungsod sa mga oras sa pagitan ng 4:00 ng madaling araw at 10:00 ng gabi sa parehong nasabing mga petsa.

Ang mga apektadong customer ay pinapayuhang mag-imbak o mag-ipon ng sapat na tubig hanggang sa makabalik na ang supply nito.

Agad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Maynilad sa kanilang mga costumer.

Bella Gamotea