Nilagdaan nitong Disyembre 6 ng Las Piñas City government at ng Department of Agriculture ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa paglulunsad ng Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program na sumisiguro sa pagkakaroon ng pagkain at accessibility nito sa panahon ng pandemyang COVID-19 at sa hinaharap. 

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na sa ilalim ng kasunduan,ang DA ang siyang magbibigay ng financial grant assistance sa mga kuwalipikadong organisasyon na lalahok at ng local government units (LGUs) upang mapagbuti ang kanilang kapasidad sa mga karagdagang makabuluhang aktibidad  sa food supply chains mula naman sa aggregation, processing, packing, store, warehousing at transport hanggang sa distribusyon.

Inihayag pa ni Mayor Aguilar na ang proyekto sa ilalim ng kasunduan ay nakatuon sa implementasyon ng dalawang KADIWA Stores sa lungsod kung saan ang layunin nitong pondohan ang piling market vendors para sa renobasyon  at pagsasaayos ng KADIWA store.

Bilang suporra sa proyekto,binigyang diin ng alkalde na marapat na idownload ng DA ang pondo sa lungsod na ipagkakaloob sa Pagsasarali Talipapa Multi-purpose Cooperative at ng Las Piñas Meat Dealers Association na parehong organisasyon na tatanggap ng tig- P1-million.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon pa kay Mayor Aguilar na obljgasyon ng DA sa pamamagitan ng kanyang Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) na magkakaloob ito ng  financial grant sa lungsod ng to the  P2-M na popondohan sa ilalim ng Market Development Services of FY 2021 General Appropriation Act 11518.

Sa panig naman ni Vice-Mayor April Aguilar, aniya ang DA’s financial grant’s fund ay gagamitin para sa implementasyon ng “Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program” na irerelease o ilalabas ng buo alinsunod sa apru adong panukalang proyekto gayundin  sa work and financial plan na nakasaad sa kasunduan. 

“On our side, the city’s obligation is to implement the approved project and shall see to it that it will be in accordance with the approved project objectives, standards, systems and procedures for project implementation, and the approved Work and Financial Plan contained in the agreement,”pahayag ni Vice-Mayor Aguilar.

Idinugtong ng bise alkalde na ang funding assistance ay manggagaling sa DA na ilalabad ng buo o ng tranches depende sa nature at pangangailangan ng proyekto.

Bella Gamotea