Sinabi ni Senatorial aspirant at incumbent Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero nitong Martes, Dis. 7 na kumpiyansa siyang makakamit ng lalawigan ang herd community sa pagtatapos ng 2021.

Umaasa si Escudero na mababakunahan sa lalawigan ang halos 85 percent ng target na populasyon na higit pa sa itinakda ng World Health Organization (WHO) at Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa COVID-19.

Ayon sa kanya, tila humina ang pambansang pamahalaan sa naunang direktiba nito sa mga LGU na pabilisin ang pamamahagi ng bakuna o haharap sa parusa kasunod ng hindi kumpletong pagpapadala nito ng mga bakuna, tulad ng mga nawawalang syringes.

Gayunpaman, sinabi niya na tinatahak na ng Sorsogon ang daan upang maabot ang herd community, sa pagdating ng higit pang bakuna para sa lalawigan noong Oktubre mula sa 20,000 dosis hanggang sa 40,000 na bakuna sa isang araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We have sufficient vaccines now but sometimes we lack syringes. But they have expanded the time and alloted to us to vaccinate because we need to ensure they get the complete set of vaccination. Which means, they should also send syringes,” idiniin ni Escudero.

Tiniyak din ni Escudero na hindi titigil ang lalawigan sa pagbabakuna sa lahat ng mga kwalipikadong indibidwal kahit na makamit ang herd immunity.

Sa kasalukuyan, pinahintulutan ng IATF ang lalawigan na magbigay ng booster shots sa healthcare workers, medical frontliners, senior citizens at mga may comorbidities sa ilalim ng A3 category.

“As defined by the IATF and the WHO na 70 percent herd immunity, makakamit natin iyon. Pero hindi kami titigil dun. Magpapatuloy kami na magbigay ng bakuna hanggang doon sa pwede at gusto at ipagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng booster shots hanggang sa susunod na taon,” sabi ng gobernador.

Aniya pa, karamihan sa mga nabakunahan sa probinsya ay nabigyan ng Sinovac o Sinopharm na dapat bigyan ng booster shots pagkatapos ng anim na buwan mula sa ikalawang dosis.

Hannah Torregoza