Isa pang disqualification case ang isinampa laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) nitong Martes, Disyembre 7.

Ito na ang ikaapat na disqualification case na inihain laban kay Marcos Jr.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Sinabi ng mga petitioner na hindi kuwalipikadong tumakbo o humawak ng anumang elective position si Marcos, lalo na ang posisyon bilang pangulo ng Pilipinas.

Ang ikaapat na petisyon ay inihain nina Margarita Salonga Salandanan, Crisanto Palabay, Mario Ben, Danilo Consumido, Gil Derilo, Raoul Tividad, Nida Gatchalian at Nomer Kuan na halos lahat ay taga Ilocos.

Humaharap din si Marcos sa tatlo pang petisyon para sa disqualification na inihain ni Bonifacio Ilagan, Akbayan Partylist, at Abubakar Mangelen.

Nahaharap din ang dating senador sa iba pang petisyon na naglalayong kanselahin ang kanyang certificate of candidacy (COC) at ideklara siya bilang nuisance candidate.

Leslie Aquino