Usap-usapan ngayon ang Facebook post ng musician-songwriter na si David DiMuzio nitong Disyembre 7, matapos nitong manawagan kung sino ang may kakilalang abogado na maaari siyang matulungan sa pakikipag-ugnayan sa ABS-CBN.

Batay sa kaniyang post, mukhang hindi pa umano nase-settle ng kompanya ang royalties na dapat sana ay mabayaran sa kaniya ng kompanya, na nawalan ng prangkisa noong 2020. Ni piso raw ay wala pang naibabayad kay DiMuzio. Halos pitong taon na umano siyang nakikipag-ugnayan sa kanila subalit hanggang ngayon daw ay wala pa siyang response na nakukuha mula sa kanila.

"Does anyone know a good attorney I can hire to contact ABS-CBN? They have never paid me even ONE PESO of royalties contractually owed on the songs I released through their record label and publishing company Star Songs, and every time I have inquired over the past 7+ years they either blow me off or don't respond at all to my request for a royalty statement," aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa FB/David DiMuzio

"Songs I released through them have garnered millions of streams."

"PS: Their record label is still operating at this time."

Ilan sa mga abogado na inirekomenda ng mga netizen ay sina Atty. Larry Gadon, Atty. Raymond Fortun, at Atty. Rodante Marcoleta.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag o tugon dito ang ABS-CBN, o kahit ang music company nito.