LINGAYEN, Pangasinan – Nasa 0.1 percent na ngayon ang occupancy rate ng nakalaang coronavirus disease (COVID-19) beds sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Provincial Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa question hour ng Sangguniang Panlalawigan nitong Lunes, sinabi ni  Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office chief Rhodyn Lunchivar Oro na isang kama na lang ang okupado mula sa 1,084 na nakalaan para sa buong lalawigan.

Iniugnay niya ang mas mababang hospital bed occupancy sa mabagal na hawaan ng COVID-19 sa lalawigan.

“The attack rate of the province is at .41 percent as of November 30, compared to the previous data at 7.0 percent,”sabi ni Oro.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Oro na ang average na kaso ng impeksyon para sa buwan ng Nobyembre ay nasa 149, at patuloy na bumababa sa pag-uulat.

Larawan mula Facebook Page ng Provincial of Pangasinan

Nagpapakita ang pinakahuling datos ng Provincial Health Office mula alas-6 ng gabi noong Dis. 5 na tatlong bagong kaso lamang ang naitala sa Pangasinan, kaya itinulak ang bilang ng mga aktibong kaso sa 61 na may 35,490 kabuuang kumpirmadong kaso simula pumutok ang pandemya.

“In the recent weeks, we are tallying single-digit numbers as to the new COVID what-19 confirmed cases,” sabi ng opisyal.

Aniya pa, inatasan na sila ni Provincial IATF chairman Governor Amado Espino III na patuloy na magsagawa ng epektibo at mahusay na patakaran upang labanan ang banta ng bagong COVID-19 variant, ang Omicron.

“We were instructed to coordinate with the Philippine National Police, the Navy as well as the seaports in Pangasinan, which are being visited by foreign vessels,”sabi ni Oro.

Idinagdag ni Oro na naka-istasyon pa rin ang order control checkpoints at pinanatili ang mga isolation facility sa lalawigan bilang paghahanda sa banta ng Omicron.

Philippine News Agency