Naitala ng Metro Manila ang pinakamababa nitong temperatura ngayong 2021-2022 amihan season nitong Lunes, Dis. 6, sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Naitala ang temperatura sa 20.2 degrees Celsius (oC) bandang 6:10 ng umaga sa pagsusubaybay sa istasyon ng PAGASA sa Science Garden sa Quezon City.

Naungusan nito ang 20.4 oC na temperature ng hangin nitong Linggo, Dis. 5.

Sinabi ng PAGASA na ang nangungunang 10 istasyon na nagtala ng pinakamababang temperature nitong Lunes ng umaga ang mga sumusunod:

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Baguio City (12.4℃)

San Jose, Occidental Mindoro (18.0°C)

Tanay, Rizal (18.8℃)

Malaybalay, Bukidnon (18.4°C)

Casiguran, Aurora (18.6°C)

Basco, Batanes (18.8℃)

Abucay, Bataan (19.6°C)

Clark, Pampanga (19.9°C)

Subic, Zambales (20.0°C)

Tuguegarao City, Cagayan (20.0°C)

Ang pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City ay 6.3 oC noong Enero 18, 1961, habang dalawang beses  na nairehistro sa Metro Mnaila noong Peb. 4, 1987 at Dis 30, 1988 sa 15.1 oC.

Maaaring magdulot ng mahinang pag-ulan at mas malamig na panahon sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands ang amihan sa susunod na 24 oras.

Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon at Visayas ay maaari ring makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong monsoon rains.

Ellalyn De Vera Ruiz