Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na nasa minimal risk na sa COVID-19 ang Pilipinas, gayundin ang karamihan sa mga rehiyon ng bansa.

Ang minimal risk ay nangangahulugan na ang average daily attack rate (ADAR) nito ay less than 1 na, ayon sa DOH/

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala pa ang bansa ng negative 2-week growth rate na -57% at low-risk ADAR na .67 per 100,000 individuals.

“Nationally, we remain at minimal risk case classification,” ani Vergeire, sa isang pulong balitaan.

Iniulat rin naman ni Vergeire na ang average daily cases ng sakit sa bansa ay bumaba pa ng 397 cases o 42% ngayong linggong ito hanggang sa average na 544 cases per day.

“These average cases per day is already 9 times lower than those reported in July of 2021 at 4,982 and also lower than 1,130 cases per day observed from December 27, 2020, from January 2 of 2021,” dagdag pa na pahayag ni Vergeire.

Mary Ann Santiago