CEBU CITY–Nakuha sa isang lalaki na walang trabaho ang nasa P12.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Tungkil, bayan ng Minglanilla, Southern Cebu nitong Linggo ng gabi, Disyembre 5.

Inaresto si Eric Bacaresas Lapena, 39, ng mga operatiba ng Minglanilla Police Station sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas.

Sinabi ng pulisya na 1.875 gramo ng shabu ang nakuha mula sa suspek.

Ang suspek ay residente ng Barangay Tisa ngunit sa Minglanilla at karatig bayan naglalako ng ilegal na droga.

Probinsya

10 kaso ng MPOX, naitala sa South Cotabato

Pinuri naman ni Police Brig. Gen. Roque Eduardo Vega, hepe ng Police Regional Office-Central Visayas, ang Minglanilla police sa pagkakadakip sa suspek na itinuturing pa lang high value sa police drug watchlist.

“We will not stop until we put an end to the drug menace here in Central Visayas,”sabi ni Vega.

Calvin Cordova