Tiniyak ni presidential aspirant at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na magpapaabot siya ng cash assistance na nagkakahalaga ng P10,000 sa bawat pamilyang naapektuhan ng sunog na tumupok sa isang residential area sa Barangay Mambaling, Cebu City noong Nob. 26.

Nagtungo kamakailan sa Cebu si Domagoso at naglaan ng oras upang bisitahin ang mahigit 900 pamilyang lumikas sa temporary shelter sa Alaska Mambaling Elementary School at Mambaling Barangay Hall gymnasium.

“Bawat pamilyang nasunugan magkakaroon ng P10,000… Ibili n’yo ng yero para sa bubong at plywood para sa dingding,” sabi ng alkalde.

“Nabalitaan ko kung ano nangyari sa inyo… Nung nakita ko [ang Mambaling noong 2016], parang nakita ko yung Tondo. Walang pinagkaiba. Pero pareho lang malapit na malapit sa akin ang lugar ninyo. Nung nakita ko kahapon sa balita yung sinapit niyong lahat, nag-alala ako dahil nangyari yan sa amin dati, naubos kaming lahat,” pagbabahagi ni Domagoso sa mga apektadong pamilya.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Hindi bababa sa 944 na pamilya o higit 2,200 indibidwal ang nawalan ng tirahan mula sa sunog sa Mambaling ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Services ng lungsod.

Jaleen Ramos